Sunday, November 20, 2011

Hindi ba't darating
din ang oras
na magugunaw ang
iyong mga
pangarap na
pinanghahawakan?
Bakit ka pa magsusumikap
sa isang bagay na
alam mo namang
walang kahahantungan?
Wala ka bang
natutunan sa mga
naunang nabigo sa
iyong larangan?
O hindi kaya't
nagpapaka-inutil ka lamang at
nagbibingihan sa ibinubulong
sa iyo ng lipunan?

Lima ang hagdan.
Apat ang tama
at isa ang
nagtatama-tamaan.

Matamaan ka na.

No comments:

Post a Comment