Thursday, December 22, 2011

Matagal nang sawa sa akin ang tula. Isa itong katotohanan na mahirap itanggi, o itago, sapagka’t patuloy akong ipinagkakanulo ng aking panulat; sa bawat letrang itina-tatak nito sa papel ay patuloy na nailalantad ang lihim na hinanakit ng aking mga salitang ibinubuhos sa pamamagitan ng tinta. At kung piliin man ng tula na bigyan ako ng pagkakataon, madalas ay lumalapit ito habang ako’y abala sa ibang gawain, na kahit pilitin ko man na maisulat ang nasabing tula, maling mga titik at larawan ang aking maiuukit sa papel, dulot na rin ng kawalan ng konsentrasyon.

Itinuring kang
punla
na inalis
sa
pasong
ipinagtaniman
sa’yo,
at—

Noon pa lamang ay alam ko nang malayong magkasundo ang tula at ang aking isip. Madalang ang pagdalaw ng tula sa aking utak, at biglang na lamang itong naglalaho ng walang paalam. Sa kabilang banda, abot-tanaw pa lamang ang tula ay ginagawa na ng aking isipan ang lahat upang iwaksi ito paalis.

Napakahirap pilitin maging ng aking mga kamay na makisama sa paglapat, hindi lamang ng tula ngunit pati na rin ng mga ideya sa papel. Simula pa lamang ay akin nang napansin ang panginginig ng mga ito, pangangalay, o biglang pagtigi

No comments:

Post a Comment