Tuesday, September 11, 2012

Huling Hapunan

Nakapinid ng mahigpit ang tarangkahan
ngunit walang bantay ang paligid.

Aakyat na lamang ba para sa kahit
isang pilas ng lebadura at isang
patak ng pulang alak para sa iyong
tigang na lalamunan?

Hindi mataas ang bakod, ngunit
malalim ang gabi at ang kailangang
talunin ng mangangahas pumasok.

Paano na 'yan?

Malabo ang mata mo at alam mong
walang naghihintay maliban sa mga daga
at insenso sa ilalim ng kahoy na pulpito.

Alam ko na!

Bumalik ka na lang sa Linggo.

No comments:

Post a Comment