Thursday, October 13, 2011

akala mo may mali, wala naman pala

pulang-pula ka nang tunay
alimangong ligaw
na naghahanap ng butas
kahit sa semento

semento ng nitso

sipit na matalim
akala mo may giyera
lakad pahilis
akala mo siya, matuwid

kasing-tuwid ng Cordillera

ipagpatuloy mo lang
ang iyong mga gawi
balang-araw ikaw naman
ang gigisahin sa kawali

wag ka na lang magulat kapag may nag-react sa’yo ng “HOLY CRAB!” kasi nga alimango ka


para sa mga babaeng buwisit lang sa buhay (pero hindi lahat buwisit, yung ilan lang)

pagsalaksak ng kutsilyo
bawat ritmo—langit na ba, o hindi pa?
halinghing ng kabayo, apaw ang dugo
pagkayod, ikayod, nakayod, kumakayod

nakasusulasok na amoy-pabango
malalagkit na likido
ang gumagapang sa kumot
huwag ka munang malikot

nakapapasong upos ng sigarilyo
nakamamatay ang mata ng demonyo
nakaiiritang haplos ng magrasang hita
langit na ba? lampas na! natapos na

binusabos

niyurakan

(pagkatao? hindi ka tao!)

pinunit mo na

wala na
hindi na maibabalik
pinunit mong
pagkalalaki

panagutan mo ang natapos mo


kapag trip mo tumula, kahit bored ka na

kapag si Leir naging OOC*

titingin siya sa salamin
ng labinlimang minuto
tatahimik sa ‘sang tabi
at tatagal bago umimik

hindi siya ngingiti o tatawa
luha’y papatak sa bawat pelikula
na naglalaman ng eksenang
pampatay o panlamay

ititigil ang salitang pabalang
tuwing linggo’y magdarasal
susunod sa bawat patakaran
ng paaralan at simbahan

kailanma’y hindi maiinip
sa paghihintay sa wala
mga gawaing napakatagal
at walang kabuluhan

gabi-gabi’y hahanapin niya
ang mga tala at bituin
sa likod ng mga ulap
na nagtatago sa dilim

susubukan niyang damahin
ang kahulugan ng pagibig
isang taong katulad ng marami
napaka-cliché—eh kaso nga swerte niyo lang hindi ako naging ganito, kung hindi, hay naku.


* out-of character


Literal Thinking

When you feel like falling,
I daresay—
Just fall;
fall to the abyss of decay and attrition.

When you feel like flying,
I daresay—
Just fly;
fly to the void of passage and proliferation.

But when you feel like writing,
I daresay—
Don’t write;
don’t write about me, nor you.

Don’t write about anything—
don’t write about everything.

Follow this advice.
Hold your desire.
Hold your passion.
Hold. Hold. Stop.

And when you do—

Start.


Mysterious Mystery

As the curtain rose atop the scaffold,
the secrets of vanity revealed itself;
her innermost thoughts—provocative,
indulging in the light of the moon, and clockworks.

As she walked towards the unforeseeable,
the waning full moon observed;
there it is—the summer storm,
sweet memories in full circulation.

Sadness is a natural phenomenon;
tranquility is only an impression—
And she sees the afterimage reflected,
in the meadow vanishing in light of her.

No comments:

Post a Comment